BIBISITA ang top Philippine sports officials sa special session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex.
Tatalakayin nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann at Commissioner Walter Torres ang ilang darating na events at programa na inihanda ng government sports agency sa second half ng taon. .
Magbibigay si Bachmann ng mga detalye sa planong groundbreaking para sa seven-story dormitory ng mga atleta, mga paghahanda para sa Batang Pinoy, at sa 2024 PSC Invitational Friendship Golf Cup.
Samantala, tatalakayin ni Torres ang mga paghahanda ng PSC para sa BIMPNT-EAGA Friendship Games.
Ang public sports program ay nakatakda sa alas-10:30 ng umaga at itinataguyod ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at Arena Plus, ang 24/7 sports app sa bansa.
Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa Forum na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation,
Ang session ay mapakikinggan din sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.