Umabot na sa 18,213 ang mga nahuli ng Joint Task Force Covid Shield na mga lumabag sa panuntunan ng IATF ukol sa back-riding sa mga motorsiklo mula aug 1 hanggang kahapon.
Iniulat ni PNP Deputy Chief for Operations at JTF Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar, na 17,027 sa mga nahuli ang may sakay na pasahero na walang gamit na authorized barrier sa kanilang motor.
14,823 sa mga ito ang binigyan lang ng citation, habang 2,204 naman ang dinala sa istasyon ng pulis.
1,186 naman ang nahuli na gumagamit nga ng barrier pero hindi naman authorized person outside of residence o APOR ang kanilang sakay.
937 sa mga ito ang inisyuhan ng citation habang 249 naman ang dinala sa istasyon.
Sa ilalim kasi ng Modified Enhanced community Quarantine, tanging mga APOR lang ang pinahihintulutan sa labas ng bahay.
Pero una nang sinabi ni Eleazar na pahihintulutan nila ang mga hindi APOR na motorcycle drivers basta’t maghahatid at susundo ng Health at essential workers.
Comments are closed.