‘BACK-TO-BACK’ TARGET NG FEU STREET DANCERS

Far Eastern University Street Alliance

UMAASA ang Far Eastern University Street Alliance na maiuuwi ang ikalawang sunod na korona sa UAAP Season 81 street dance competition ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang dance-off sa alas-2 ng hapon kung saan target ng FEU na maging ikatlong koponan na nagwagi ng dalawang kampeonato.

Binuo noon lamang Enero ng nakaraang taon, ang gangsta-themed performance ng FEU ay nanalo pa rin sa pagkubra ng 85.75 points.

Ang La Salle Dance Company at UP Street ang winningest schools sa street dance na may tig-tatlong kampeonato.

Ang Adamson Cast ang unang magpapasiklab, kasunod ang NU Underdawgz, FEU’s Street Alliance, Company of Ateneo Dancers, LSDC, UST Prime, UP Street at UE Street Warriors.

Sa juniors division, sisikapin ng UST Galvanize na maduplika ang impresibong winning performance noong nakaraang taon.

Sa ikalawang taon ng high school competition, ang order of performance ay ang Adamson Cauldron Dance Company, NU Underdawgz, FEU-Diliman’s Baby Tamaraws Dance Company, La Salle Zobel’s Dance Crew, UST Galvanize, UPIS BLK at UE Street Varsity Team.

Comments are closed.