BACK-TO-BACK WINS SA BOLTS

bolts vs nlex

Mga laro ngayon:

AUF Gym

4 p.m. – Terrafirma

vs NorthPort

6:45 p.m-  San Miguel

vs Alaska

PINATUNAYAN ng Meralco na walang kapa-kapatid sa basketball at binigo ang ambisyon ng sister team NLEX na kunin ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 101-92 win sa PBA Philippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation gym sa Angeles City, Pampanga.

Gumanap na bayani si Filipino-American Cris Newsome na kumamada ng limang sunod na puntos upang bigyan ang Bolts ng 94-85 kalamangan at nilapatan ni Bong Quinto ang final score sa dalawang free throws sa foul ni Kevin Alas.

Nabalewala ang magandang laro ni Kiefer Ravena na kumana ng game-high 30 points at nabigo si NLEX coach Yeng Guiao na masundan ang panalo laban sa NorthPort.

Ang talo ay ikaapat ng Road Warriors sa limang laro at nalagay sa alanganin ang title campaign ng NLEX.

“I have to play good out there and deliver the needed points to help my team win. It’s pretty good I made it,” sabi ni Newsome.

Tumipa si Newsome ng 18 points, 6 rebounds at 6 assists at itinanghal na ‘best player of the game’.

Malaking tulong ang ginawa nina Allein Maliksi, Bong Quinto, Cliff Hodge, Baser Amer, at Raymond Almazan sa ikatlong panalo ng Meralco sa limang laro at umakyat sa standings sa 3-2.

Nagbuhos si Allein Maliksi ng 17 points mula sa bench, habang nag-ambag sina  Hodge at Amer ng 11 at 10, ayon sa pagkakasunod, at gumawa si Almazan ng 11 markers at 9 boards sa kanyang most productive performance sa bubble play sa kasalukuyan.

“For us, it’s not about who’s scoring the most but everybody doing their share and doing their part,” sabi pa ni Newsome na binigyang-diin na ang depensa ang pinakamalaking susi sa kanilang back-to-back wins.

“That’s what we really want. We want to play as a team, we want to share the basketball. I think we went into this game number 3 in assists, that’s something we want to continue to do,” sabi naman ni Meralco coach Norman Black.

Lumaban ang NLEX at nagbantang kunin ang panalo nang lumapit sa 82-84 sa three-point play ni Ravena sa kalagitnaan ng fourth period. Subalit nagsanib-puwersa sina Raymond Almazan, Bong Quinto at Hodge para sa 89-82 kalamangan.

Mataas ang morale matapos ang overtime win kontra Magnolia, lumamang ang Meralco ng 12 points, 32-20, sa basket ni Hodge. CLYDE MARIANO

Iskor:

Meralco (101) Newsome 18, Maliksi 17, Amer 11, Almazan 11, Hodge 10, Black 9, Quinto 9, Jamito 7, Hunatan 6, Jackson 3, Jose 0, Salva 0.

NLEX (92) – Ravena 30, Semerad 16, Alas 10, Cruz 9, Porter 8, Ayonayon 7, Soyud 6, Quinhan 6, Miranda 0, Paniamogan 0, Varilla 0, Ighalo 0, McAloney 0.

QS: 25-17, 41-39, 73-65, 101-92.

Comments are closed.