BACK-TO-BACK WINS SA BOSSING

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – TNT vs Phoenix
6:30 p.m. – Converge vs San Miguel

ANTIPOLO – Naiposte ng Blackwater ang back-to-back wins sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon makaraang tambakan ang Terrafirma, 107-70, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center.

Bumanat ang Bossing ng 36-20 assault sa second period upang maitarak ang 17-point lead tungo sa ikalawang sunod na panalo matapos ang 97-90 pagdispatsa sa NorthPort noong Sabado para sa 3-1 kartada at makasalo sa second place ang Meralco at San Miguel Beer.

Ang 37 kalamangan ng tropa ni Ariel ay bagong franchise record, pinalitan ang 132-106 pagdurog ng Blackwater sa NLEX sa 2019 Commissioner’s Cup.

Ang Bossing ay nasa kanilang pinakamagandang simula makaraang magtala ng tatlong sunod na panalo sa pagsisimula ng mid-season tournament, tatlong taon na ang nakalilipas.

“We can’t celebrate too much because we know that every team has the capability to beat each other,” sabi ni Vanguardia, na ang tropa ay determinadong makabawi matapos ang 29-game skid.

Nagbuhos si rookie revelation Ato Ular ng f16 points at limang iba pang Bossing ang nagtala ng twin-digit scores —Jvee Casio (14), Yousef Taha (12), Mark Dyke (11), Barkley Ebona (11) at James Sena (11).

Lumayo ang Bossing mula sa 27-25 contest at bumanat ng 27-12 run para tapusin ang second.

Sinamantala ng Blackwater cagers ang pagkawala nina Isaac Go, Ed Daquioag at Bonbon Batiller dahil sa major injuries, tungo sa panalo.

“I was on them during the first quarter. We had a flat start and we’re giving up offensive rebounds. But thanks to our second group, the defense and rebounding picked up. It’s a team effort,” sabi ni Vanguardia.

Nanguna si Joshua Munzon na may 17 points para sa Terrafirma, na nalasap ang ika-5 sunod na kabiguan. CLYDE MARIANO

Iskor:
Blackwater (107) – Ular 16, Casio 14, Taha 12, Dyke 11, Ebona 11, Sena 11, Publico 7, Ayonayon 5, Amer 5, Suerte 5, Melton 4, Escoto 4, McCarthy 2.

Terrafirma (70) – Munzon 17, Gabayni 12, Tiongson 10, Camson 10, Gomez de Liano 9, Ramos 6, Cahilig 4, Calvo 2, Grospe 0, Tumalip 0, Enriquez 0, Mina 0, Balagasay 0.
QS: 18-18, 54-38, 76-54, 107-70