BACK-TO-BACK WINS SA BOSSING

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5 p.m. – Converge vs Meralco
7:30 p.m. – NorthPort vs Magnolia

MULING sinandigan ni George King ang Blackwater sa 123-111 panalo laban sa o Phoenix Super LPG sa PBA Governors’ Cup nitong Martes sa Araneta Coliseum.

Makaraang magpakawala ng 33-point,19-rebound double-double sa kanyang victorious PBA debut kontra Barangay Ginebra noong Biyernes, si King ay nagbuhos ng 44 at 13 sa pagkakataong ito sa paggiya sa Blackwater sa hanggang 103-84 kalamangan.

Sa suporta nina Sedrick Barefield, RK Ilagan at Troy Rosario, nagawang malusutan ng Bossing ang impresibong debut ni bagong Phoenix import Brandone Francis, na nakalikom ng 45 points, 10 rebounds at 8 assists.

“We knew that their new import was gonna come in and give them some life, give them some motivation, the same way George did for us. So we were expecting them to be ready and be good and they were,” wika ni Blackwater coach Jeffrey Cariaso.

“I think what happened there was, also George King,” paliwanag ni Cariaso. “You know, him stepping up and matching not just the points and all the numbers that Francis brought, but he matched the energy, he matched the defending and all the things we talked about at practice as part of our team.”

Nagbida rin si Barefield, na humataw ng career-best 32 points, kabilang ang 11 na nagpalayo sa Bossing makaraang magbanta ang Fuel Masters sa 104-109.

Sinabi ng No. 2 overall pick sa nakalipas na Rookie Draft na susi sa kanilang panalo ang tiwala ng kanyang teammates sa isa’t isa.

“Everybody’s playing at a high level,” ani Barefield, na ang anim na sunod na puntos ay nagbigay sa Blackwater ng 115-104 bentahe tungo sa kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 0-3 simula sa Group B.

“I know those first three games weren’t our best and it’s not a testament to who we are so it’s a good momentum for us,” dagdag pa nina Barefield.

Sa tulong nina Ilagan na nag-ambag ng i14 points, 5 rebounds at 5 assists at Rosario na may 12 points, ipinalasap ng Blackwater sa Phoenix ang ika-4 na kabiguan sa parehong dami ng laro.
CLYDE MARIANO

Iskor:
BLACKWATER (123) – King 44, Barefield 32, Ilagan 14, Rosario 12, David 8, Escoto 6, Chua 4, Kwukuteye 3, Guinto 0, Mitchell 0, Montalbo 0, Suerte 0, Ponferrada 0.

PHOENIX (111) – Francis 45, Perkins 29, Garcia 8, Manganti 7, Tio 5, Mocon 4, Ballungay 4, Muyang 3, Salado 2, Rivero 2, Soyud 2, Alejandro 0, Jazul 0, Daves 0, Tuffin 0, Verano 0.

QUARTERS: 27-23, 64-58, 103-84, 123-111