BACK-TO-BACK WINS SA ‘RAIN’

rain or shine

Mga laro sa Miyerkoles:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Alaska vs Columbian

7 p.m. – San Miguel vs Blackwater

 

BINIGO ng Rain or Shine ang Alaska sa unang pagsalang nito matapos ang mahabang pahinga, 85-72, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.

Naitala ng Elasto Painters ang ikalawang sunod na panalo upang umangat sa 4-1 kartada at ikalawang puwesto sa likod ng nangungunang Phoenix na may 4-0 marka.

“It’s a good win for us,” wika ni RoS coach Caloy Garcia matapos ang laro. “We’re lucky that Alaska also didn’t come up with a full line-up, and at the same time, first game jitters lang siguro sa kanila ‘yan, na they’re trying to run their system.”

Dinomina ng Elasto Painters ang laro at dalawang beses lumamang ng 21 points, 46-25 at 48-27, sa pagsasanib-puwersa nina Norbert Torres, Rey Mambatac, Gabe Norwood at Ed Daquioag.

Sa 7-0 run, kasama ang tres ni James Yap, ay lumobo ang bentahe sa 55-33 at hindi na binitiwan ng Elasto Painters ang trangko tungo sa magaan na panalo.

“We’re able to hold on and my players refused to fold up in the end. They gallantly fought Alaska offensively and defenively,” sabi pa ni coach Garcia.

Sa unang pagkakataon na itinanghal na ‘Best Player of the Game’ ay tumipa si  Rey Mambatac ng 12 points sa 4 of 6 sa charity lane at 4 of 6 sa field goal.

Nakitaan ng panga­ngalawang ang Aces na galing sa tatlong linggong pahinga matapos ang Governors’ Cup kung saan tinalo sila ng Magnolia sa Finals.

Ginawa ni coach Alex Compton ang lahat at panay ang eksperimento subalit hindi makahulma ng epekti­bong formula para pigilin ang RoS na nagpaulan ng puntos sa lahat ng anggulo  mula umpisa.

CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (85) – Nambatac 12, Belga 11, Almazan 10, Yap 9, Ahanmisi 8, Torres 7, Mocon 5, Norwood 5, Daquioag 4, Maiquez 4, Ponferada 4, Rosales 3, Borboran 3, Onwubere 0.

Alaska (72) – Teng 15, Pascual 12, Banchero 11, Galliguez 9, Exciminiano 6, Thoss 6, Ayaay 6, Baclao 4, Cruz 2, Potts 1, Babilonia 0.

QS: 25-14, 48-30, 64-51, 85-72.

Comments are closed.