(‘Back to barracks’) COL. ESPENIDO SIBAK SA BACOLOD POLICE

Joem Malong

CAMP CRAME – PINAG-REPORT sa Office of the PNP chief o sa National Headquarters ang kontro­bersiyal na police official na si PCol. Jovie Espenido makaraang alisin siya bilang hepe ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Ayon kay Lt. Col. Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office (PRO-6), noong Pebrero 5 pa epektibo ang relief order ni Espenido bilang pinuno ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng BCPO at deputy city director for operations.

Nakasaad din sa order na mag-report na si Espenido sa office of the chief PNP.

Gayunman, hindi naman tinukoy ang rason kung bakit ito tinanggal sa puwesto sa BCPO.

Noong Oktubre 2019 lang nang ma-assign si Espenido sa Bacolod.

Una nang sinabi ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na sinimulan niyang i-evaluate ang mga opisyal ng pulisya habang ang mga nakaraang rigodon o reshuffle sa PNP ay resulta ng performance evaluation lalo na kung ano ang nagawa para sa anti-illegal drug at gambling operations.

Una na ring naging kontrobersiyal si Espenido dahil sa ilang operasyon na pinamunuan nito na ikinasawi ng ilang sinasabing may kinalaman sa ilegal na droga partikular na sina dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog. VERLIN RUIZ

Comments are closed.