BACK TO SCHOOL TIPS MATAPOS ANG HOLIDAY

BACK TO SCHOOL

BALIK-ESKUWELA at trabaho ang marami sa atin matapos ang holiday. Kahit na gustong-gusto pa nating magbakas­yon at makasama ang pamilya, hindi na maaari sapagkat kailangan nating gampanan ang mga nakaatang na gawain, gaya na lang ng pag-aaral at pagtatrabaho.

Mahirap nga naman ang pagbabalik-eskuwela matapos ang holiday o bakasyon. Kapag nasi­mulan nating magbakas­yon, magsaya, humilata sa kama at magliwaliw o magtungo sa kung saan-saan, nawiwili tayo. kaya tuloy kapag pasukan na—sa trabaho man o eskuwelahan—hindi maiwasang tamarin tayo.

Marahil ay may ­ilang excited sa pagbabalik sa eskuwela o trabaho. Pero malaki ang porsiyento ng tinatamad pa at kung puwede pang pahabain ang bakasyon, pahahabain.

At dahil hindi talaga maiwasang tamarin tayo matapos ang bakasyon, narito ang ilang tips para ganahan sa paggawa ng mga kailangang tapusin o gawin:

SUBUKANG MAG-RELAX

Unang-una ay subukan mo ang mag-relax. Oo, kapag pasukan na naman, naiinis tayo at nai-stress. Hindi naman iyan maiiwasan. Ang sarap nga namang manatili sa bahay at matulog hanggang sa gusto natin. Kahit nga walang tayuan sa kama ay puwede.

Imbes na ma-stress at mainis sa pagbabalik-eskuwela, mainam kung ire-relax ang sarili. Oo, hindi naman talaga madaling mag-relax lalo’t alam mong balik sa normal na naman ang iyong buhay. Normal na ang ibig sabihin ay kaila­ngang gumising para tuparin ang mga obligasyon. Bawas sa puyat. Bawas na rin sa paglalaro sa online at kung ano-ano pa.

Dahil tiyak na hindi na natin magagawa ng todo ang mga gusto nating gawin lalo’t nakasasagabal ito sa pag-aaral, iniisip pa lang natin ay naiinis na tayo.

Pero iwasan ang mainis at ma-stress. Lahat naman ng bagay ay nangyayari dahil kaila­ngan. Halimbawa ay ang pag-aaral ng mabuti. Kailangang isaisip ito ng bawat estudyante nang makamit nila ang kanilang pinakaaasam-asam.

Tandaan nating bawat hakbang na gagawin natin, kaakibat nito ang ating kinabukasan.

BACK TO SCHOOL-2IHANDA ANG SARILI SA PAGBABALIK-ESKUWELA

Bawat estudyante, gayundin ang emple­yado ay kailangang ihanda ang kanilang mga sarili sa muling pagsabak sa trabaho at eskuwelahan. At kapag sinabing ihanda ang sarili, nangangahulugan itong hindi lamang gamit sa eskuwelahan o trabaho ang iyong aayu­sin at ihahanda kundi maging ang iyong katawan, lalong-lalo na ang iyong isipan.

Ilang araw rin bago ang pagbabalik sa eskuwelahan. Iwasan o bawasan na rin ang mara­ming bagay.

Una na riyan, ang pagpupuyat. Kapag pu­yat tayo ay tiyak na lulugo-lugo tayo sa paaralan o trabaho. Mahihirapan din tayong intindihin ang leksiyon kapag kulang sa tulog. Kaya mahalaga ang pagtulog ng tama. Iwasan na ang pagpupuyat bago o ilang araw bago magpasukan.

Ikalawa, limitahan ang paggamit ng gadget. Kapag walang pasok, gamit tayo nang gamit ng gadget.

Hindi rin tayo pinipigilan ng magulang at pinagbibigyan dahil bakasyon nga naman.

Pero kung malapit na ang pasukan, hindi man sabihin ng magulang na bawasan na ang paggamit ng gadget at social media, magkusang gawin ito. Para rin naman kasi ito sa kinabukasan mo.

Mas mahihirapan ka kung sa mismong araw ng pagbabalik-eskuwela ay saka ka pa lang magbabawas o aaksiyon.

Hindi naman kaila­ngang i-cut off mo o itigil ang paggamit ng teknolohiya.

Kailangan din naman iyon sa pag-aaral. Limitahan lang nang hindi ito makasagabal sa pag-aaral.

MAGING ORGANISADO

Sa kahit na anong bagay o kahit na sino, importante ang pagiging organisado.

Maraming bagay o pangyayari ang maa­aring makapagpawala ng focus natin sa buhay.

Pero kung organi­sado kang tao, walang makahahadlang sa iyo. At tiyak ding magagawa mong abutin ang iyong pangarap nang walang sagabal.

Hindi lamang tayo sa bagay dapat maging organisado, kundi maging sa sarili natin at buhay.

KAIBIGANISIPIN ANG MGA KAIBIGAN SA ESKUWELAHAN

Isa pa sa makatutulong upang ganahan tayong pumasok ay ang mga kaibigan natin sa paaralang ating pinapasukan.

Oo, sabihin man nang ilan ay nagkakausap sa chat o messenger. Gayunpaman, iba pa rin iyong nakakasama natin sila’t nakakausap ng harapan.

MAG-ENJOY AT SIGURADUHIN ANG KALIGTASAN

Maraming estud­yante ang hindi ma-enjoy ang pag-aaral dahil na rin sa nahihirapan sa leksiyon o kaya naman, kapos o hirap sa pera. Kaya’t minsan ay kinailangan nilang magtrabaho habang nag-aaral.

Gayunpaman, sabihin mang wala kayong sapat na salapi o lagi kayong nahihirapan sa pera at hindi agad-agad na nakabibili ng mga kailangan sa pag-aaral, makabubuti pa rin ang pag-iisip ng positibo.

Importante ring nasisiguro ang kaligtasan ng bawat estudyante. Una, kumain ng tama at magpahinga ng maayos.

Pangalawa, huwag basta-basta magtitiwala sa ibang estudyante.

Ikatlo, huwag ding sasama o makiki­pagkaibigan sa may bisyo dahil problema lang ang dulot nito.

MAG-ARAL-4MAGSUMIKAP AT MAG-ARAL

Sa mga hirap namang intindihin ang leksiyon, hindi naman kailangang mawalan ng pag-asa.

Kumbaga, magsumikap at mag-aral nang mabuti nang makasabay sa mga kaklase.

Maraming puwedeng gawin upang ganahang mag-aral matapos ang holiday. At ang mga nakalista sa itaas ay ilan lamang sa tips na makatutulong. CT SARIGUMBA

Comments are closed.