BACKLOG SA PLAKA NG MOTORSIKLO, UMABOT NA SA 11M

INAMIN ng Land Transportation Office (LTO) na aabutin pa ng mahigit isang taon bago matugunan ang 11 milyong backlog sa plaka ng motorsiklo.

Ayon kay Edgar Galvante, Assistant Secretary ng LTO, 7 milyong plaka pa lamang ang kanilang nagagawa at nakatengga pa rin ang 18 milyon hanggang 19 milyong plaka.

Para matugunan ang problema, iminumungkahi ni Galvante na magkaroon ng licensed third-party contractor na gagawa sa mga hindi matatapos na plaka.

Matatandaang sa ilalim ng Republic Act 11235, kailangang may plaka sa harap at likod ang mga motorsiklo.

Hindi naman apektado ang mga plaka para sa four-wheel vehicles. DWIZ882