BACKRUB ANG DATING TAWAG SA GOOGLE

ANG Google LLC ay isang American multinational techno­logy company na ang espesyalidad ay Internet related services at mga produktong tulad ng online advertising technologies, search engine, cloud computing, software, at hardware. Isa ito sa kinukunsi­derang kasali sa “Big Five” companies sa American information technology industry kung saan kasama ang Amazon, Facebook, Apple at Microsoft.

Sina Larry Page at Sergey Brin ang founders ng Google noong September 4, 1998 habang Ph.D. students pa sila sa Stanford University sa California. Magkakasama, pag-aari nila ang halos 14% ng publicly-listed shares nito at control na 56% ng stockholder vo­ting power sa pamamagitan ng super-voting stock. Nagsapubliko sila via initial public offering (IPO) noong 2004. Noong 2015, ini-reorganize ang Google bilang pag-aari ng Alphabet Inc. Tinawag itong BackRub sa simula. Ito ang pinakamalaking subsidiary ng Alphabet Inc., at holding company ng Alphabet Internet Properties at iba pang interes. Itinalagang CEO ng Google si Sundar Pichai noong October 24, 2015, kapalit ni Larry Page, na naging CEO ng Alphabet. Noong December 3, 2019, naging CEO rin ng Alphabet si Pichai.

Ngayong 2021, itinatag ang Alphabet Wor­kers’ Union na karamihan ay mga Google emplo­yees. Sa mabilis na paglago ng kumpanya matapos ang incorporation, kasama ring lumago ang kanilang mga produkto, acquisitions at partnership higit pa sa Google core tulad ng search engine o Google search. May iba pa itong services na naka-design para sa work and productivity tulad ng Google Docs, Google Sheets, Google Slides, email, schedu­ling at time management, Google Calendar, cloud storage o Google Drive, instant messaging at video chat o Google Duo, Google Chat at Google Meet, language translation o Google Translate, mapping and navigation o Google Maps, Waze, Google Earth at Street View, podcast hosting o Google Podcast, video sharing o YouTube, blog publishing o Blogger, note-taking o Google Keep at Jamboard, at photo organizing and editing o Google Photos.

Marami pang pwedeng i-discuss sa Goo­gle pero hanggang dito na lamang muna tayo at sana, tulad ko ay nag-e-enjoy kayo. – SHANIA KATRINA MARTIN

7 thoughts on “BACKRUB ANG DATING TAWAG SA GOOGLE”

  1. 408733 49007Having read this I thought it was extremely informative. I appreciate you taking the time and effort to put this article together. I once once again locate myself spending strategy to much time both reading and commenting. But so what, it was still worth it! 475375

Comments are closed.