BILANG proponent ng vegetable gardening o backyard farming, ikinagalak ni Senadora Cynthia Villar na naging malaki ang interes ng mga Filipino na magtanim habang naka-community quarantine.
“I am glad that more people are now seeing the benefits of planting vegetables in their own backyard. And I hope the growing interest will continue even after the quarantine is lifted,” ayon kay Villar.
Matagal nang isinusulong ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, ang lahat ng uri ng pagsasaka para sa food self-sufficiency at security.
Kaya’t hinihikayat nito ang mga kabataan, OFWs, barangay residents at pati drug surrenderees na magtanim ng mga gulay.
Aniya, maraming mga programa at proyekto na sumusuporta sa kanyang adbokasiya na kung saan sinimulan nito ang vegetable gardens sa kanyang bahay sa Las Piñas.
Bilang insentibo, taon-taon siyang nagbibigay ng pabuya sa best barangay vegetable gardens.
Sa panahon ng quarantine, namimigay rin si Villar ng seed packs at organic fertilizer mula sa kitchen at garden wastes sa lahat ng barangay sa Las Piñas at karatig lugar sa NCR, Cavite at Bulacan.
“I really believe that if you grow your own food, you will not go hungry. Kapag may itinanim, may aanihin at kakainin [if you plant, you have something to harvest and eat]. That’s how our parents lived and survived hard times before. Now, we appreciate it, we are going back to basics,” sabi pa ni Villar.
Binanggit din ng senadora ang pahayag ng global organizations na Food Agriculture Organization (FAO) at Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) na dahil sa global pandemic, umusbong ang urban agriculture sanhi ng ‘disruption’ sa food supply.
Mahigit two-thirds ng populasyon ng mundo ang nakikitang maninirahan sa mga siyudad sa 2050 at ang urban agriculture ang makatutulong sa kanilang pagkain.
Umaabot sa 180 million tons ng pagkain kada taon o may 10% ng global output ng bigas, mais at iba pa at mga gulay ang nagmula sa urban agriculture.
Nagsampa si Villar sa Senado ng mga panukalang batas para suportahan ang adbokasiyang ito. Isa rito ang pagbalik sa school-based vegetable gardening classes o ang “Gulayan sa Paaralan.”
Inihain niya ang Senate Bill No. 147 o Instructional Gardens Act sa paglalagay ng instructional gardens sa lahat ng elementary o secondary schools, public o private. Gagawin itong requirement sa pagbibigay ng permits sa mga paaralan.
“We need to encourage the young ones to get involved in farming, which should be considered a life skill, because it really is. Even in other more advanced countries, they are teaching students to plant and grow their food. There are predictions that by 2050, or less than 30 years from now, we will run out of food. So, we all have to learn how to grow our food,” sabi ni Villar.
Nagsasagawa rin ang Villar SIPAG farms schools sa Cavite at Bulacan ng regular training programs sa vegetable gardening, urban agriculture, agricrops productions, organic farming bukod sa mga agriculture-related courses.
Isinusulong din ng senator ang pagtatayo ng farm schools at learning centers sa buong kapuluan para magbigay ng agricultural training sa maraming Filipino. Suportado ang mga ito ng TESDA at Agricultural Training Institute (ATI) na ang pinakahuling bilang ay umabot na sa 2,532. VICKY CERVALES
Comments are closed.