BACKYARD PIGGERY IPAGBABAWAL NA SA QC

BACKYARD PIGGERY-2

IPAGBABAWAL na ang backyard piggery sa mga barangay sa Quezon City simula sa Disyembre.

Napagpasyahan ito ng pamahalaang lokal ng Quezon City matapos kumalat na sa limang barangay ang African Swine Flu (ASF).

Sa ngayon, sinabi ni Dr. Ana Maria Cabel, chief veterinarian ng Que­zon City na patuloy ang ‘culling’ o pagpatay nila sa mga baboy sa Barangay Tatalon, Roxas, Payatas, Pasong Tamo at Barangay Bagong Silangan.

Ayon kay Cabel, hindi na bababa sa 5,000 baboy pa ang nakatakda nilang isalang sa ‘culling’.

BABOY BANNED NA SA ZAMBO SUR

MASIGASIG sa pagmo-monitor ang provincial government sa Zamboanga del Sur at gumawa ng isang task force para ma-regulate ang local swine industry at mapigilan ang pagpasok ng African swine fever (ASF) sa kanilang lalawigan.

Sinabi ni Provincial Board Member Rogelio Saniel, Committee on Agriculture and Fishery chairperson kamakailan na ang pagpapaaktibo sa Task Force on Swine Diseases ay isang mandato na kamakailan ay isinabatas bilang Provincial Ordinance 006-2019, na naglalayon na ma-re­gulate ang pagpapalaki, pag-transport, pagkatay, at pagbebenta ng buhay na baboy, karne at iba pang produkto nito, frozen pork, processed and canned pork at iba pang layunin.

Pinangunahan ni Governor Victor Yu ang task force.

Pahayag ni Saniel na ang mga layunin ay ba­hagi ng inisyatibo ng provincial government para mapigilan ang pagpasok ng ASF at iba pang nakaha-hawang sakit ng baboy sa probinsiya.

“Strictly checking pig farms, holding facilities, slaughterhouses, wet markets, and the selling of live pigs and its by-products within the province should be implemented to prevent the entry of ASF,” sabi ni Saniel.

Dagdag pa nito, na ang task force ay binigyan na ng direktiba para ipatupad ang mahigpit na pagbabantay at monitoring ng sakit ng hayop kasama na ang animal quarantine. May mandato na magsagawa na rin ng information campaign para sa pagkokontrol at proteksiyon kontra ASF.

Bukod pa rito ang task force ay awtorisado rin na magsuspinde at magkansel ng swine farm na lumalabag sa ordinansa ng probinsiya.

Ayon pa kay Saniel na ang sinumang tao, kompanya o korporasyon na malamang lumalabag sa ordinansa ay pag-mumultahin ng P1,000 pero hindi hihigit sa P2,000 o pagkakulong ng hindi bababa sa dalawang buwan o higit sa isang taon.                     PNA

Comments are closed.