Story & photos by Jayzl Villafania Nebre
“Ipakilala siya sa Buong mundo.”
Sa mga Kristiyano, ang Our Mother of Perpetual Help o Nostra Mater de Perpetuo Succursu sa Latin, ang pinakasikat.
Isa itong Roman Catholic na may kinalaman sa 15th-century Byzantine icon at ang sinasabing Marian apparition na kaugnay nito. Pinaniniwalaang nagmula ito sa Keras Kardiotissas Monastery at nananatili sa Roma mula pa noong 1499. Sa ngayon ay naroroon ito sa Simbahan ni San Alponso ng Ligouri, kung saan nagsasagawa ng nobena sa Our Mother of Perpetual Help linggo-linggo.
Ang titulong “Perpetual Help” ay isa sa pinakakilalang titulo ni Mama Mary, lalo sa sa mga needy at maysakit na nangangailangan ng pagmamahal at proteksyon. Ang orihinal na larawan ay nasa Eastern Icon na representason ng
Ina ng awa, ay ipininta upang maging inspirasyon ng pag-asa at panalangin. Higit pa ang ispiritwal nitong mesahe sa kanyang artistic beauty. Ang nasabing icon ay higit pa sa representasyon ng isang tao o historical event. Ginigising ng Icon of Perpetual Help ang ating kamalayan sa mga misteryo ng Pagtubos sa atin ni Jesucristo at sa pamamagitan ni Birheng Maria para sa mga sumusunod sa aral ng kanyang anak na karga niya sa larawan.
Sa pamamagitan ng pananampalataya at panalangin lamang maaari mong ipakita ang paghanga sa nasabing icon.
Ang ekspresyon sa mukha ni Maria ay tulad ng sa isang iang nakaranas ng sakit, ngunit, ipinaaabot niya ang katahimikan ng kanyang puso at pagmamahal, habang inaanyayahan niya tayong sumunod sa Kalooban ng Diyos.
Na kahit pa nakikita natin si Jesus na nagdurusa sa krus, alam nating ibinigay niya ang kanyang buhay para sa atin.
Si Pope Pius IX ang nag-atas ng Pontifical decree of Canonical Coronation kasama ng official formalized title na Nostra Mater de Perpetuo Succursu noong May 5, 1866. Ang Latin Patriarch ng Constantinople na si Cardinal Ruggero Luigi Emidio Antici Mattei, ang nagsagawa ng koronasyon noong 23 June 1867.
Ang Congregation of the Most Holy Redeemer ay nagsilbing tagapangalaga ng icon. Kilala rin ang imahe na Virgin of the Passion of Jesus Christ sa Eastern Orthodox religion. Isinasagawa ang novena devotions sa kanya tuwing June 27 bawat taon. Sa ilalim ng pontipikasyon ni Pope Pius XII, itinalaga ang imahe na national Patroness ng Republic of Haiti at Almoradí, sa Valencia, Spain. Dahil sa pagtataguyod ng mga paring Redemptorist mula pa1865, naging napakapopular nito sa mga Romano Catolico.
Sa Pilipinas, pinagdarayo ito ng mga mananampalataya tuwing Miyerkules, at kasama na ako sa mga nagnonobena dito. Kung tutuusin, maituturing na itong isang tourist destination dahil dinarayo ito hindi lamang ng mga mananampalataya kundi maging ng mga turista na nagnanais makita ang dagsa ng mga tao sa simbahan, pati na rin ang icon ng Our Lady of Perpetual Help na kopyang kopya sa orihinal. jvn