SA UNIVERSITY of the East nagsimula ang basketball career ni Rey Mendez. Taong 1983 hanggang 1993 siya naglaro sa UE Warriors sa kampo ni coach Roel Nadurata kung saan nag-champion ang koponan. Ang iba pa niyang naging coach sa aking alma mater ay sina Jimmy Mariano at Johnny Revilla.
Pagkatapos ng kanyang UAAP career ay tumuntong siya sa PBL, nakapaglaro siya sa team ni Dr. J, ang team owner at father ni ex-PBA player Paolo Mendoza na si Rudy Mendoza. Taong 1999 ay nag-champion sila laban sa Tanduay, sumunod na naging koponan ni Mendez ang Ana Water Dispenser at ang BLU Detergent.
Taong 1999 ay nagpa-draft si Rey, kinuha siya ng Mobiline Phone Pals under coach Eric Altamirano. Pangarap ni Rey na maging head coach siya someday ng malaking liga tulad ng PBA at MPBL. “Kahit sino naman ay pangarap na maging head coach ng PBA. Hoping na magkaroon ito ng katuparan,” aniya.
Sa kasalukuyan ay hawak ni Mendez ang Don Bosco Makati as head coach. Kasama niya sa coaching staff sina asst. coaches Aldrin Morante, Lawrence San Jose, BJ Aganus at Venum Corpin. Asst. coach naman siya sa BACOOR STRIKE na ang head coach ay si Chris Gavina (asst. coach ng Rain or Shine).
Sa katatapos na METRO LEAGUE ay nag-champion ang Bacoor Strike Sa Serbisyo ng Bayan na nakaharap ang Caloocan Supremos. Laking pasasalamat ni coach Mendez na kinuha siya sa Bacoor Strike, MPBL team nina team owner Cong. Strike Revilla at Chaye Cabal Revilla, gayundin kina team manager Ray Uy at Denise Abella.
Nasa 48-anyos na ang produkto ng UE Warriors. May 5-year-old siyang anak na babae na si Martina Rae Mendez. Sa mga player na mag-sisimula pa lamang, ang payo ni coach Mendez, “Dapat ang puso ay nasa basketball. Kung ano ang gustong gawin ay ‘yun ang sundan.”
Nagkita kami kahapon ni coach Arlene Rodriguez, dating head coach ng Shell Rimula X at Ginebra San Mgguel. Minsan nang napag-champion ni coach Rodriguez ang dalawang nabanggit na teams. Nang magkita kami at magkumustahan, napansin ko na parang bumata siya which is sa edad ni coach Arlene na 65 ay senior citizen na siya. Nakabibilib na patuloy pa rin ang pagtuturo niya ng basketball, pagko-coach sa ilang kompanya at pagiging team consultant sa RTU. Sabi ni coach, ang pagiging bata ng kanyang itsura at pagkakaroon ng matitibay na buto ay dahil sa walang kapagurang pagdi-jogging. Malakas at hindi napapagod. I-click n’yo lang ito, https//quickcrossmarketing.com/epaplus-offer/?ref=14. Good luck!
Nag-resign na si Gerry Esplana bilang head coach ng Valenzuela Classic after matalo ng tatlong sunod ang team. Hindi nga ba kaya ni Esplana ang nais ng management na maging sunud-sunuran? But in fairness sa management ng Valenzuela, iniwan ni coach Gerry ang team kahit ongoing ang MPBL. Hindi pinaalis si Esplana, bagkus siya ang nagdesisyon.
Comments are closed.