MARAMI ang nakagawian ng bawat Pinoy. Ngunit hindi lahat ng nakaugalian ay mabuti sa katawan. Para sa mas masayang pamumuhay, ilan sa bad habits na dapat iwasan ay ang mga sumusunod:
HINDI PAGKAIN NG ALMUSAL
Alam ba ninyo na halos isa sa bawat tatlong Filipino ang hindi nag-aalmusal?
Ito ay malaking kamalian dahil sa almusal, kumukuha ng lakas ang ating katawan para magtrabaho, mag-isip at magkaroon ng energy.
Ang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang mga batang nag-almusal ay nagiging mas matalino. Sa office workers naman, mas gaganda rin ang inyong performance sa trabaho.
HINDI PAGKAIN NG GULAY AT PRUTAS
Mainam sa katawan ang pagkain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas sa bawat araw. Sa ganitong paraan, ma-kukuha mo ang lahat ng kailangang vitamins at minerals.
Sa mga bata at sa mga payat na tao, puwede na ang isa at kalahating tasa ng gulay at prutas bawat araw.
HINDI PAG-INOM NG TUBIG
Maraming Pinoy ang mahina kung uminom ng tubig. Minsan tatlong baso lang sila kung uminom sa isang araw. Kailangan na-tin ng anim hanggang 10 baso sa isang araw. Matutulungan kasi ng tubig ang mga sakit tulad ng UTI, sakit sa bato, panghihina, constipation at pangungulubot ng balat.
PAGKAHILIG SA MATATAMIS NA PAGKAIN AT INUMIN
Ang pagkain o pag-inom ng sobrang matatamis ay puwedeng magdulot ng diabetes, katabaan at sakit sa puso. Limitahan ang pag-inom ng soft drinks, canned juices at iced tea. Mas piliin ang fresh fruits, green tea at tubig.
PAGKAIN NG EXTRA RICE
Ayon sa pagsusuri, ang sobrang pagkain ng kaning puti ay puwedeng magdulot ng diabetes at katabaan. Bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng gulay at prutas. Mas mainam din ang pagkain ng brown rice at wheat bread.
PAGKAIN NG TABA, ALIGI, BALAT NG MANOK AT LAMANLOOB
Bawasan o kung maaari ay iwasan na lamang ang mga matatabang pagkain tulad ng lechon, crispy pata, chicharon, lamanloob, at taba ng baboy at baka.
Kung ang mantika nito ay nagiging sebo kapag nalamigan, gaanoon din ang mangyayari sa taba sa loob ng iyong katawan. Kung ayaw mong atakehin sa puso, bawasan ang pagkain nito.
LABIS NA PAG-INOM NG KAPE AT ENERGY DRINKS
Masama sa katawan ang sobra. Puwede kayong magkaroon ng nerbiyos, palpitation at hindi pagkatulog.
May iba naman na umaasa sa energy drinks para labanan ang kanilang pagkapuyat. Mali rin ito. Para magkaroon ng energy, kumain nang tama, magpahinga ng sapat at umiwas sa bisyo.
KAKULANGAN SA TULOG
Kailangang mag-ingat ang mga taong kulang sa tulog at laging gumi-gimmick. Ayon sa pagsusuri, ang mga laging puyat at kulang sa tulog ay mas tumataas ang insidente ng sakit sa puso at kanser.
Kaya naman kung ikaw ay nagtatrabaho bilang night shift, kailangan ay doble ang iyong pag-aalaga sa sarili. Siguraduhing masustansiya ang iyong kinakain at sapat ang iyong pahinga.
AYAW MAGPATINGIN SA DOKTOR
Karamihan ng ugali ng mga Pinoy ay ayaw magpa-check up. Kailangan pang pilitin para pumunta sa clinic. Dapat na magpatingin ng maaga para malaman at maagapan ang sakit.
PAGKAHILIG SA IBA’T IBANG BISYO
Napakaraming sakit ang puwedeng makuha sa nakasanayang bisyo na tulad ng alak at sigarilyo. Ang mga sakit na ito ay sakit sa baga, kanser, ubo, hika at wrinkles sa mukha. Nakababawas din ng talino dahil namamatay ang brain cells sa labis na pag-inom ng alak. Kung gustong humaba ang buhay, iwasan o bawasan ang mga bisyo.
Napakarami nga namang kinahihiligang gawin ang mga Pinoy. Ngunit kung ang mga kinahihiligan naman ay nak-asasama sa kalusugan, iwasan ang mga ito. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.