BAD INFLUENCE SI PROF?

albayalde

PASAY CITY – IBINUNYAG ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na may isang professor sa isang state university ang nang-uudyok sa mga estud­yante na sumama sa mga kilos protesta.

Ang pag-amin ay ginawa ni Albayalde sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senador Ro­nald Bato Dela Rosa.

Sa naturang pagdinig, inaalam kung paano nahihikayat ang mga batang mag-aaral na sumapi sa leftist groups tulad ng Kabataan Party­list at Anak Pawis matapos na magreklamo ang mga magulang na nawalan ng kanilang mga anak matapos na sumama sa grupo.

Ayon kay Albayalde, noong NCRPO chief pa lamang siya nang inili­bing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani na kung saan mara­ming kabataang mag-aaral ang nagsagawa ng kilos protesta sa lugar.

Ayon kay Albayalde nakausap pa niya ang ilan at ang iba ay nagpakuha pa ng litrato sa kanya. VICKY CERVALES

Comments are closed.