(SINING AT KULTURA)
Ang bag ay napakahalaga sa isang tao, hindi lamang sa babaemaging sa mga lalaki. Isa itong bagay na palaging dala-dala na pinaglalagyan ng mga gamit.
Nagsimula ang bag noong ancient Egypt time kung saan nakasabit ito sa kanilang bewang. Maging ang mga magsasaka ay ito ang ginagamit upang paglagyan ng mga butog pananim.
Noong 14th century ay ipinakilala ito bilang lagayan ng pera at mga mahahalagang bagay o purse. Noon namang 15th century, ginagawa itong regalo ng mga groom sa kanilang bride sa mgakasalan at may burda itong tila kuwento ng kanilang pag-iibigan.
Ang iba naman ay ginawa itong lagayan ng ibon ng hunters.Hanggang sa sumapit ang 18th century na
kasama na ito sa fashion.
Hanggang sa nag-upgrade na ang iba’t ibang hitsura ng bag tulad ng paggawa rito ng art. Importante sa mga kababaihan ang bag, maaaring lagayan ito ng make-up at mga mahahalagang gamit at kung ano-ano pa.
Sa mga kababaihan, pangkaraniwan na sa outfit ang bag. Hindi kompleto ang “OOTD o Outfit of the Day” kung walang bag, ‘Ika nga “Bag is life”. Madalas ito rin ang best gift ever para sa mga kababaihan. Regalo sa mga espesyal na okasyon.
Tulad ng Mother’s Day, Valentine’s Day, anniversaries at birthdays. Sa iba, maaaari itong collection lalo na
ang mga may kaya o well-off sa buhay.
Dito sa Laguna, may isang babae ang gumagawa ng kanyangsariling pangalan, si Che Mendoza na isang Calambeno. Nag-umpisa siya sa paggawa ng iba’t ibang obra mula sa natural pigments tulad ng abo ng sigarilyo, luyang dilaw, blueternate na bulaklak at marami pang iba. Sanay rin siyang
gumawa ng mga obra mula sa water colors, oil paint, oil pastel at leather paint.Nang wala na siyang papel at canvas, sinimulan niyang pintahan ang kanyang sariling bag. Na siyang naging libangang madalas na at ginawang negosyo.
Masasabing may kamahalan ang presyo nito dahil sa hindiordinaryong pintura ang ginagamit. At ang bag ay kinakailangang tunay na leather at kung kayang branded o may halaga ang bag dahil tumatagal ang balat nito at kalidad. Hindi rin ordinaryongskills o talento ng isang tao ang basta na lamang magpipinta ng mamahalin bag at aksayahin ito. Maging mga sikreto o techniques nito ay pinag-aaralang mabuti upang tumagal angisang art o sining.
Ang bag na may art ay dapat na ipagmalaki. Kahanga-hangatalaga dahil ito ay isang personalize na bagay at palagi mongkasa-kasama. Minsan hindi mahalaga ang presyo ng bag napipintahan, basta siguraduhin lamang na ito ay tatagal. Isangespesyal na bagay ito para sa mga kababaihan kaya marami angnag-i-invest nito lalo na ang mga may kaya sapagkat ginagawaitong collection. Itinuturing na halos kompleto na ang iyongpagiging babae kapag may bag na palaging dala-dala saan man magpunta. CYRILL QUILO
Comments are closed.