BAGAY NA ABOT-KAMAY NG SME NA GAMIT NG MALALAKING NEGOSYO

homer nievera

KUNG  inaakala mong ‘di ka na makakasabay sa mga bigtime na negosyo habang SME ka pa lang, nagkakamali ka. Sa totoo lang, lahat ng mga malalaking negosyo ay gumagamit ng mga teknolohiya na aking babanggitin sa pitak na ito.

Alamin kung ano’ng mayroon sila na abot-kamay mo naman.

Website

Kung nag- uumpisa ka pa lang sa iyong maliit na negosyo o kaya’y isa kang freelancer, malaking tulong ang sarili mong web-site. Ang isang website ay parang opisina mo sa Internet. Sa Filipinas, kung saan mahigit na 55 milyon ang gumagamit ng Internet, tiyak na malaki ang potensiyal ng iyong negosyo kung may website ka. Kailangan, propesyunal ang hitsura nito at nakalagay rito ang mga importanteng impormasyon ukol sa iying negosyo.

Email

Hindi kaila sa atin na ang bagong henerasyon ng mga bata ay marahil hindi na interesadong magpadala ng sulat gamit ang koreo o Post Office sa talambuhay nila. Sa negosyo, email lang ay puwede ka nang magpadala ng mga proposal sa mga nais maging kos-tumer. Hindi mo na kailangang gumastos ng papel at pamasahe para ipadala ito. Makasasagot  na rin agad ang pinadalhan mo. Ang ‘di alam ng karamihan, ang pagkakaroon ng email data base  ay mahalaga para makapag-market ng produkto o serbisyo. Bakit? Dahil kasama na ang email address sa mga tinatanong (bukod sa home address) sa mga impormasyon na dapat mayroon ka. Kailangan din ito sa social media accounts.

Social Media

Para makahanap ng mga kostumer sa kahit na anong negosyo mo, ang paggamit ng social media ang pangunahing teknolo-hiyang magagamit sa pag-market ng iyong serbisyo o produkto. Sa Facebook, Linkedin at Instagram na ilang lamang sa social net-working sites, makahahanap ka na ng mga tao o kompanyang posibleng magkainteres sa mga ibinebenta mo.Mabilis ka ring maka-kapagtransaksiyon sa kanila. Tandaan lamang na ang social media ay para sa social na aspeto ng mga tao. Kaya maging mapanuri sa iyong mensahe.

Messenger Apps

Sa pamamagitan pa lang ng cellphone, kaya na niyang mag-text, mag-chat at makipag-usap kanino man saan man sa mun-do.Gayundin ang paggamit ng mga chat apps na Viber at Facebook Messenger na sa iyong mobile phone pa lang ay personal kayong mag-uusap o magkikita at wala pang bayad kung mayroon  kang wifi.

Search Engine

Ang Google at Bing ay dalawa sa mga malalaking search engines sa mundo. Kung searchable ka o ang iyong website, madali kang makakabenta. Ang mahalaga rito  ay ang paggamitng SEO o Search Engine Optimization para ikaw ay lumabas sa top search-es. Palalawigin  ko ito sa aking susunod na pitak. Kaya sa ngayon, saliksikin ang siyensiya na ang tawag ay SEO at bakit ito mahal-aga.

oOo

Si Homer Nievera ay isang digital evangelist at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa internet  at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Filipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe [email protected].

Comments are closed.