HUMANGA pala si Director Ice Idanan sa dalawa niyang lead stars ng unforgettable story of “Cara X Jagger” na sina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid, a joint venture ng APT Entertainment at Cignal Entertainment. First time lamang sila naidirek pareho ng lady director.
“Bumilib ako kay Jasmine nang una kaming mag-meet,” kuwento ni Direk Ice. “Nagtaka ako na may dala siyang notebook nang una kaming magkaharap. Iyon pala magti-take down siya ng notes kung ano ang pag-uusapan namin. Iba ang professionalism ni Jasmine. At pinatunayan naman niya nang mag-shooting na kami, kung gaano siya kahusay na actress.
“Si Ruru, akala mo ay happy-go-lucky lamang siya kahit nagsu-shooting kami, pero seryoso din siya. Pagkatapos ng take ng isang magandang eksena, itatanong niya sa akin kung okey ba, hindi siya papayag na ang sagot ko lamang sa kanya ay “pwede na,” hihingi siya ng retake kung hindi maganda ang ginawa niya. Bagay nga silang magkasama ni Jasmine, pareho silang professionals. They want to contribute to the movie, kaya pinag-uusapan namin kung hindi sila satisfied sa performance nila.”
Sa “Cara X Jagger,” dating magkasintahan sila, pero may mangyayari na susubok sa kanilang katatagan. Si Cara ay pipiliting kalimutan ang pangyayari na sumira sa kanilang relasyon, samantalang si Jagger ay pilit na inaalaala ang kanyang nakaraan, matapos mawala ang kanyang alaala dahil sa isang aksidente.
Thankful naman si Jasmine dahil after seven years, first time niyang magbida sa isang mainstream movie, marami siyang ginawang movies noon, tumanggap siya ng mga awards, pero mga indie films iyon. Ganoon din pala si Ruru after seven years na nakagawa rin siya ng mga movies, first time rin lamang niyang gaganap ng lead role sa isang mainstream movie, at nakatambal pa niya ang isang mahusay na actress–si Jasmine.
Nagkabiruan sa mediacon kung naging totohanan ang roles nila bilang sina Cara at Jagger?
“Hindi po, naging best of friends lamang kami ni Jasmine, ang bait niya, masarap kasama pero may boyfriend na po siya,” sagot ni Ruru. Natawa naman si Jasmine, ayaw yata niyang ibuko na may girlfriend din naman si Ruru.
ALDEN AT DINGDONG MAGSASAMA SA SHOW
NGAYON lamang muli magkakasama sa isang show sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Asia’s MultiMedia Star Alden Richards. Pagkatapos mag-taping ni Alden ng inspirational drama series niyang “The Gift” last Wednesday, tumuloy na siya ng Subic Bay early Thursday morning para mag-guest sa infotainment show na “Amazing Earth” hosted by Dingdong. Dalawang episodes daw ang itinape ni Alden for the show na napanonood every Sunday at 6PM after ng “24 Oras Weekend.”
Hindi nga tumanggi si Alden sa invitation ng show ni Dingdong dahil mahilig siya sa dagat at matagal-tagal na iyong huli niyang nagpunta sa beach kaya kung minsan ay hinahanap-hanap din niya ito.
Wait na lang tayo ng announcement ng GMA News & Public Affairs kung kailan mapanonood ang guesting ni Alden sa “Amazing Earth.”
Comments are closed.