BAGETS NA-COMATOSE NANG BARILIN SA CLASSROOM

comatose

LAGUNA – KRITIKAL at comatose ang  isang 15-anyos na binatilyo matapos na dalawang beses na pagbabarilin sa ulo sa loob ng eskuwelahan sa Castor Alviar National High School sa  Brgy. Masili, Calamba City kahapon ng tanghali.

Ayon kay Laguna Police Provincial Director Police Col Elea­zar Mata, alas-12:30 ng tanghali kahapon nang mangyari ang krimen.

Pumasok ang suspek na kinilalang si Renz Ivan Valderama, tinata­yang nasa 30 hanggang  35 taong gulang sa eskuwelahan ng grade 7 student at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo ng dalawang beses.

Agad itong naisugod sa Health Serve Hospital sa Calamba City at nga­yon ay nasa brain dead situation o comatose ang biktima.

Sa imbestigasyon ng PNP, napag-alamang bakla ang suspek at may relasyon umano sa biktima.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng Calamba Police sa suspek na si Balderama. VERLIN R./REA SARMIENTO

Comments are closed.