BAGETS NA KILLER NI CHRISTINE ARESTADO NA

ARRESTED

CEBU – HAWAK na ng awtoridad ang menor na nanggahasa, pumatay at nagbalat sa mukha ng 16-anyos na si Christine Lee Silawan ka­makailan sa Lapu-Lapu City.

Ang 17-anyos na suspek ay dating nobyo ng biktima at dahil sa matinding selos ay brutal na pinatay nito si Silawan sa pamamagitan ng 30 saksak, pagtanggal sa ilang bahagi ng katawan at pagbalat sa mukha nito Barangay Bangkal na sakop ng nasabing lungsod.

Ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI-7) ang nakaaresto sa suspek.

Si Silawan ay  natagpuang patay sa isang bakanteng lote na walang mukha,  at wala na ang kanang tenga, dila at bahagi ng kanyang lalamunan, noong Marso 11.

Ayon sa NBI, nagsilbing lead sa pagtukoy ng mga awtoridad sa suspek ay bunsod ng security footage at text messages kay Silawan.

Hindi isinapubliko ng NBI ang pangalan ng self-confessed suspect dahil isa itong menor.

Kinumpirma naman ni Central Visayas NBI Director Tomas Enrile na nahuli ang dating boyfriend ni Silawan sa Maribago, Lapu-Lapu City kung saan dalawa pang kasamahan na tumulong sa brutal na pagpatay sa dalagita ang puspusan pang pinaghahanap.

Sinasabing ang kanyang bungo ay tinalupan at nakahubad sa ibabang bahagi ng katawan habang hindi naman malinaw pa kung ito ay nagahasa.

Maging ang Pangulong Rodrigo Duterte ay labis ang pagkagalit at iniutos ang manhunt operations sa mga suspek.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.