BAGETS NAGPUSLIT NG DROGA SA PRESINTO

droga

CEBU – IDINEKLARA  na “minor in conflict with the law” ang isang  16-anyos na lalaki nang maaktuhan itong nag-pupuslit ng shabu sa loob ng San Nicolas Police Station sa Cebu City.

Base sa impormasyong ibinahagi ng Cebu City PNP, dinalaw ng hindi na pinangalanang menor ang kanyang kaibigan na nakakulong sa San Nicolas Police Precinct detention cell nang maaktuhang nag-aabot sa preso ng pitaka na may lamang hinihinalang shabu.

Ayon kay SPO2 Edgardo Erci Emia, San Nicolas Precinct desk officer, dinakip ang bina­tilyo matapos madiskubre na may lamang walong maliliit na pakete ng  hinihinalang shabu ang inabot na wallet.

Nabatid na dinalaw ng batang suspek ang kaibigan nitong si Jun Ramas na nakakulong dahil din sa  kasong possession of ille-gal drugs.

Sinasabing habang nag-uusap ang dalawa, natiyempuhan ni PO1  Floro Lada na may ini-aabot na pitaka ang bata kay Ramas.

Nagulat ang pulis nang makita sa pitaka ang walong pakete ng umano’y shabu.

Itinurn-over na ang hindi pinangalanang suspek sa Operation Second Chance, isang pasilidad para sa mga kabataang lumabag sa batas. VERLIN RUIZ

Comments are closed.