(Bago ang June 11 maturity date) P300-B UTANG NG GOV’T SA BSP BAYAD NA

NABAYARAN na ng national government ang P300 billion provisional advances nito mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas , ilang linggo bago ang June 11 maturity date nito, ayon sa Department of Finance (DOF).

“The repayment fulfills the goal of Finance Secretary Carlos Dominguez III to unwind the pandemic-related liquidity support from the BSP before the start of the next administration,” ayon sa DOF.

Si Presidente Rodrigo Duterte ay bababa sa puwesto sa June 30.

Tinitiyak ng provisional advances ang steady access ng mga awtoridad sa cash, na nagpapahintulot sa  large fiscal response at recovery measures nang walang pagkagambala kahit bumaba ang revenue collections sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“With the sustained economic recovery and consequent strengthening of revenue collections last year, the volume of the provisional advances was downsized from P540 billion in 2021 to P300 billion in January this year, which is only half of the maximum available amount of P600 billion,” ayon sa ahensiya.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 8.3% sa unang tatlong buwan ng 2022 — mas mataas sa mga projection at pasok sa 7-9% target band ng pamahalaab para sa taon. Ang nominal gross domestic product (GDP) ay pumalo sa P4.9 trillion sa naturang quarter, mas mataas sa P4.43 trillion na naitala sa kaparehong panahon sa pre-pandemic 2019.

“The advance payment demonstrates the continued strong fiscal position of the Duterte administration even with the COVID-19 health crisis and the Ukraine-Russia conflict,” ani Dominguez.

“Its solid macroeconomic fundamentals made even stronger by the game-changing reforms carried out by President Duterte during the COVID-19 crisis to further liberalize the economy and attract investors will return the Philippines soon enough to its pre-pandemic path of rapid and inclusive growth,” dagdag pa ng economic manager.