BAGO AT MODERNONG SUBSTATION NG MERALCO, GUMAGANA NA!

Magkape Muna Tayo Ulit

IDINAOS kamakailan ang pasinaya ng pinaka-bago at modernong substation ng Meralco.  Ang Bridgetowne Substation ay isang integrated at fully-automated Gas-Insulated Switchgear (GIS) substation na seserbisyuhan ang isang premiere township development ng Robinsons Land Corporation (RLC) na matatagpuan sa boundary ng Pasig at Quezon City.

Ang nasabing substation ay ginawa ng Me­ralco ay upang masiguro ang patuloy na daloy ng ko­ryente sa lumalaking pa­ngangailangan ng nasabing proyekto. May sukat na 31-hectare ang proyekto kung saan magkakaroon ng mga residential condominiums, office buildings, shopping center, isang 5-star na hotel, park, eskuwelahan, ospital, at isang public art installation.

Itong modernong Bridgetowne Substation ay may paunang kapasidad na 83MVA. Itinayo ito sa isang 1,293sqm na lote na inilaan ng RLC.  Maliban sa mga nasa Bridgetowne, makikinabang din sa substation ang iba pang kabahayan na nakapalibot sa lugar na ito.

Dumalo sa inauguration ang mga pinuno ng Meralco, RLC, at mga kinatawan ng Pasig at Que­zon City LGUs na sina Atty. Jeronimo U. Manzanero, City Administrator ng Pasig, at si Alberto H. Kimpo, Assistant City Administrator ng Quezon City.

Ang bagong substation na ito ay umaayon sa International Electromechanical Commisions (IEC) 61850 digital communication protocol para sa mga electrical substations. Ayon kay Meralco SVP at Head ng Networks na si Ronnie L. Aperocho na ang Bridgetowne substation ay makatutulong upang masiguro ang patuloy na serbisyo ng koryente hindi lamang sa nasabing proyekto ng RLC, kundi kasama ang mga nakapaligid na mga komunidad. Dahil din dito, mababawasan ang sobrang load ng koryente sa mga substation ng Hillcrest sa Cainta at ang SM-Shangrila substation.

Sa pahayag naman ng Pangulo ng Robinsons Land Corporation na si Frederick Go, makatutulong ito upang makapagbigay oportunidad sa trabaho at maaring susi sa dagdag progreso ng siyudad ng Quezon City at Pasig.

Ayon naman kay Meralco First Vice President & Head of Customer Retail Services and Corporate Communications na si Victor S. Genuino, na ang partnership ng Meralco at Ro­binsons Land Corporation ay makabubuti sa ating lokal na ekonomiya sa mga siyudad ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Comments are closed.