SA PANGALAWANG magkasunod na taon, kinilala ang Bago City bilang isa sa mga top rice-producing local government units sa bansa noong nagdaang 2018 Rice Achievers Awards.
Kilala bilang rice bowl sa Negros Occidental, ang Bago ay isa sa 15 bayan at siyudad na ginawaran ng parangal ng Department of Agriculture (DA) sa isang seremonya na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kamakailan.
Ang mga top rice-producing city ng Western Visayas (Region 6) ay may total na 119,528.36 metric tons ng produksiyon ng palay noong 2018 mula sa pinag-anihang lugar na 11,879.29 ektarya.
Sinamahan si Mayor Nicholas Yulo ng city agriculturist na si Carlito Indencia at ang DA-6 regional executive director Remelyn Recoter sa pagtanggap ng parangal, na mayroong tropeyo at tseke na nagkakahalaga ng PHP1 million, mula kay Senator Cynthia Villar.
Sa isang pahayag nitong nakaraang Biyernes, iniugnay ni Yulo ang parangal sa pagbabago at pagsisikap na ginagawa ng mga magsasaka ng palay sa Bago.
Ang prodyus ng Southern Negros city na may katamtamang ani kada ektarya ay nadagdagan ng 4.3 metric tons noong 2017 hanggang 4.45 metric tons ng 2018.
Kinilala rin ni Yulo ang tulong ng DA at Negros provincial government ng Occidental pagdating sa pag-alalay sa binhi ng palay, technology transfer at farm machinery.
Noong nagdaang taon, nakatanggap ang mga magsasaka ng palay sa Bago ng 19,571 sako ng high-quality palay seeds, ganundin ang pitong units ng shallow tube well at water pump engines, 10 units ng farm machinery at gamit mula sa DA at sa Office of the Provincial Agriculturist.
Namahagi rin ang DA ng 80 sako ng abono sa 22 magsasaka sa ilalim ng Rice Crop Manager at Philippine Rice Information System programs; gumawa ng ng dalawang rice model farms para sa inbred at hybrid rice; nagtayo ng biocontrol agent lab; at nagsagawa ng field schools at pest management training sa Bago.
Noong Disyembre ng nagdaang taon, naglunsad ang provincial government ng farm mechanization program sa siyudad na may 200 ektaryang sakahan ng palay sa Barangay Taloc.
Nakapag-contribute ng 20 porsiyentong total na produksiyon ng bigas sa Negros Occidental.
Samantala, hinimok ni Recoter ang ibang lugar na nakapagpoprodyus ng bigas sa Western Visayas na tulungan pa ang kanilang ani.
“The DA is here to give interventions, such as production support, training and extension services, provision of small-scale irrigation projects, farm machinery and facilities,” sabi niya. PNA
Comments are closed.