(Bago matapos ang taong 2020) MAHIGIT 100K OFWs PA ANG UUWI

Ofw

INAASAHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na aabot sa mahigit 107,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang maiuwi  bago matapos ang taong 2020.

Sa kasalukuyan, nasa 37,095  Pinoy workers na ang  apektado ng COVID-19 pandemic ang napauwi ng DFA nitong buwan ng Oktubre.

Sa kabuuan ay umabot na sa 237,363 na mga OFW ang na-repatriate ng pamahalaan simula ng pumutok ang COVID-19 pandemic, 77,326 (32.58%) dito ang sea-based habang 160,037 (67.42%) ang land-based.

Ayon sa DFA , ang 31,849 (85.86%) ay mula Middle East; 2,716(7.32%) mula Asia at Pacific; 2,406 (6.49%) mula Europe; 92 (0.25%) mula Africa; at 32(0.09%) mula naman sa America.

Aabot din sa mahigit 500 na Agrostudies students ang na-repatriate ng ahensiya nitong buwan ng Oktubre mula sa Israel.

Ligtas ding naiuwi ang 92 OFWs mula  Libya sa pamamagitan ng biyaheng dagat mula Indonesia habang ang 40 seaman sakay ng BRP Tubbataha.

Naiuwi rin ng DFA ang 920 OFWs kasama na ang may medical condition mula Australia, Brazil, French Polynesia, Hungary, Italy, Japan, Norway, Oman, Spain at USA. LIZA SORIANO

Comments are closed.