(Bagong 18-month low) PISO VS DOLYAR SUMADSAD PA SA P58.635

BUMAGSAK pa ang halaga ng piso laban sa dolyar nitong Huwebes.

Ang local unit ay nagsara sa P58.635:$1, humina ng 21.5 centavos mula sa P58.42:$1 noong Miyerkoles.

Ito na ang pinakamahinang performance ng piso sa loob ng 18 buwan o magmula noong  Nobyembre 3, 2022 nang magsara ito sa P58.8:$1.

Nangyari ito nang pumalo ang US 10-year Treasury yield sa four-week high, habang tumaas din ang two-year note yield.

“Upside moves today after US yields continued to rise overnight, PHP weakened along with regional currencies,” wika ni Security Bank Corp. chief economist Robert Dan Roces.

“Dollars strengthened across with higher treasury yields and recent hawkish Fed speak. Market a bit on the edge with sticky inflation potentially indicating higher rates for longer. US GDP data tonight will provide direction,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang paghina ng piso ay pansamantala lamang dahil ang paglakas ng greenback ay sanhi ng mga kaganapan sa ibang bansa tulad ng paninindigan ng  Federal Reserve.

“I think this is only temporary and eventually, once things clear up, it will be the fundamental that will determine the level of exchange rate,” sabi ni BSP senior assistant governor Iluminada Sicat.

Si Roces ay sinang-ayunan ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort, na nagsabing kasama ang mas mataas na US Treasury yields, ang piso ay apektado rin ng pagbaba sa local equities market.

“The peso also lower after the recent declines in the local stock market, PSEi, to new 5.5-month lows or since December 13, 2023,” aniya.

“Going forward, the peso’s performance would partly be a function of intervention/defense as consistently seen over the past 1.5 years,” dagdag pa niya.