BAGONG AFP, PNP CHIEFS UMUPO NA

PORMAL nang manunungkulan ngayon ang mga bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos ang ginanap na magkasunod na retirement at turn over ceremony kahapon sa Camp Gen Emilio Aguinaldo at Camp Rafael Crame sa Quezon City.

Itinalaga kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Army chief Lt. Gen. Andres Centino bilang ika-57 chief of staff ng AFP kahalili ng nagretirong si General Jose Faustino Jr.

Si Centino ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1988 at Mistah ni Lt. Gen. Dionardo Carlos na bagong talagang PNP chief.

“His integrity, ma­nagement acumen and genuine desire for peace and development make him a competent leader who shall guide the AFP in fulfilling its mission while supporting national efforts to battle the current pandemic,” ayon kay AFP Spokesman.

Si Centino ang pinakamatagal na maninilbihan sa mga itinalagang heneral ng Pangulong Duterte bilang AFP chief na magreretiro sa Pebrero 2023 pa

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Turn over Ceremony at Retirement Honors para kay outgoing AFP chief of Staff Gen. Jose Faustino na pormal na nagreretiro sa serbisyo kahapon. VERLIN RUIZ
Kasabay nito, umupo na rin bilang ika-27 PNP Chief si Lt. Gen. Dio­nardo Carlos.

Sa isinagawang Change of Command Ceremony sa Camp Crame na pinangunahan ni DILG Sec. Eduardo Año ang seremonya.

Pinalitan ni Carlos si dating PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na bumaba sa puwesto isang araw bago ang kanyang pagreretiro sa serbisyo ngayong araw.

Sa kanyang inaugural speech pinasalamatan ni Carlos ang Pangulong Duterte.

Aniya, itutuloy nito ang Intensified Cleanliness Policy na sinimulan ni Eleazar at ang fiscal transparency na ipinatupad nina dating PNP Chiefs Gen. Archie Gamboa at Gen. Debold Sinas.

Sinabi nito, ngayon ay mababa ang crime rate at titiyakin niya na hindi na makakabalik sa kanilang dating gawain ang mga masasamang loob.
Sa pamamagitan ito ng pinalakas na kampanya kontra sa kriminalidad at Oplan Double Barel Finale

“Version 2021” laban sa ilegal na droga.

Hinikayat naman ni Carlos ang lahat ng mga pulis na samahan at tulu­ngan siya sa paglilingkod sa bayan, at patunayan sa mga Pilipino na nanatili ang PNP sa paghahatid ng pinakamahusay na serbisyo sa bayan. REA SARMIENTO