BAGONG ANTI-ENDO BILL, INIHAIN SA KAMARA

CIBAC Party-list Rep Bro Eddie Villanueva

MULING inihain sa Kamara ni CIBAC Party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang anti-endo bill matapos na ma-veto ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang bagong anti-endo bill ay tinitiyak na magiging patas sa pagitan ng employer at employees.

Layunin ng House Bill 3467 na protektahan ang mga manggagawa laban sa labor-only contracting.

Dalawa lamang ang kikilalaning uri ng manggagawa, ang regular at probationary.

Ang project at seasonal employees ay ika-classify bilang regular sa loob ng duration o haba ng kanilang pagtatrabaho.

Mahigpit namang ipagbabawal ang iba pang uri ng mga employment.

Samantala, pahahalagahan din ang mga employer sa pagkakaroon ng mga trabahong contractual depende sa uri ng business operations na siyang tutukuyin naman ng industry tripartite councils.

Paliwanag ng kongresista, napapanahon ang pagpasa sa anti-endo bill lalo’t maraming Filipino ang natatakot na mawalan ng trabaho kapag natatapos ang kontrata at na­ngangambang hindi masuportahan ang pangangailangan ng pamilya.   CONDE BATAC

Comments are closed.