INANUNSIYO ng Grab kamakailan ang kanilang bagong ride-hailing app, na layon ay makatulong sa drivers at pasahero na ayusin ang kanilang booking cancellations.
Puwedeng mag-cancel ang riders ng kanilang booking kahit anong oras basta hindi pa nakakapag-assign ang app ng driver. Kung ang driver ang mag-cancel ng booking, ang user ay makatatanggap ng 30 GrabRewards points sa loob ng 24 oras, lahad ng Grab.
Ang mga pasahero na magkakansela ng booking matapos na makapag-assign ng driver ay puwedeng ma-ban sa platform ng hindi hihigit sa 23 oras kung sila ay umabot na sa sumusunod na limitasyon: 2 kanselasyon sa loob ng 24 oras; 3 kanselasyon sa loob ng 24 oras o limang kanselasyon sa loob ng 7 araw, sabi pa.
Makatitipid din ang Grab users ng kanilang laging pinupuntahan na lalabas na shortcuts sa loob ng app, sabi pa ng Grab.
Puwede ring magpalit ang mga pasahero ng kanilang destinasyon habang nakasakay na kung sakaling mali ang location setting, nagpalit ng plano o nagka-emergency pahayag pa ng Grab. Ito ay magiging available sa GrabCar, GrabCar 6-seater at GrabCar Premium sa Metro Manila, Cebu, Bacolod, at Pampanga.
Sinabi pa ng Grab na makapagbibigay ito sa mga pasahero ng 4-hour window matapos ang kanilang pagsakay para matawagan ang kanilang driver sa loob ng app kung sakaling may nawalang gamit.
Comments are closed.