BAGONG ARRIVAL AT DEPARTURE CARDS IPAMIMIGAY NG BI

Bureau-of-Immigration

MAGSISIMULA ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-isyu ng bagong arrival at departure cards para sa international passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals upang maiangat ang kanilang serbisyo.

Ipinagbigay alam na ni BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Mariñas, hepe ng  Bureau’s Port Operations Divison (POD), ang hakbang kay BI Commissioner Jaime Morente para sa sinasabing distribusyon ng mga bagong travel cards sa iba’t ibang airlines magmula pa noong nakarang Hulyo 1.

Dagdag pa ni Mariñas, available na ang newly-printed cards sa immigration sa arrival at departure areas sa tatlong terminals sa NAIA.

Ang lumang arrival at departure card ay hindi na maaaring gamitin  dahil naobserbahan ng BI na hindi nagbibigay ng sufficient information sa pagkakakilanlan sa hanay ng mga dayuhan na pumapasok sa bansa.

Ang arrival at departure card ay isang legal document na ginagamit para makakuha ng impormasyon mula sa mga dayuhan na hindi nakalagay sa kanilang mga pasaporte, at isa itong paraan upang makakuha ng karagdagan rekord ng isang tao partikular na sa entry at departure mula sa ibang bansa at sa Filipinas.

Ang bawat arrival at departure card na ito ay isinu-surrender  sa  primary immigration inspector pagdating at pag-alis ng bawat pasahero.

Ayon  kay Morente, ang makokolektang  impormas­yon  mula sa arrival at departure cards ay isang paraan ng BI alien monitoring at mapping, sa pagkuha ng karagdagang impormasyon na makatutulong sa safety ng Filipino sa paglabas ng bansa. FROI MORALLOS

 

Comments are closed.