PINANGALANAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pangalawang batch ng art scholars nito.
Walong kabataang Navoteño ang nabigyan ng scholarship matapos nilang makapasa sa selection process ng special screening committees sa limang artistic disciplines sa ilalim ng NavotaAs Art Scholarship.
Sa bilang na ito, tatlo ang nagawaran ng scholarship sa pagsasayaw, isa sa visual arts, dalawa sa theater arts, at dalawa sa creative writing o journalism.
Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, bawat scholar ay makatatanggap ng transportation at food allowance na nagkakahalagang P16,500 at workshop at training grant na P20,000.
Simula nang naitatag ang NavotaAs Scholarship Program noong 2011, 595 Navoteño na ang napag-aral ng pamahalaang lungsod. Sa bilang na ito, 291 ang academic scholars, 293 ang athletic scholars, at 11 ang art scholars. VICK TANES
Comments are closed.