MASUSING binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang namataang sama ng panahon na paparating mula sa bahagi ng Pacific Ocean.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang nasabing sama ng panahon na may layong 1,815 km silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kph at pagbugsong nasa 225 kph.
Samantala, patuloy namang kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph at posibleng pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles.
Inaasahang bibigyan ito ng local name na “Betty” bilang ikalawang sama ng panahon sa PAR ngayong 2019. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.