BAGONG BATAS SA PSA, LILIKHA NG TRABAHO AT MABILIS NA PAGBANGON SA PANDEMYA- ROBES

Florida Robes

PINURI ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes ang nalagdaang batas para sa pag-amiyenda sa Public Service Act na aniya ay kailangan ng bansa para makabangon mula sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Bilang isa sa may-akda ng House Bill No. 78 na bersiyon ng Mababang Kapulungan sa pag-amiyenda sa Public Service Act, sinabi ni Robes na ang pagbubukas ng ilang mga industriya para ma­ging pag-aari na ng mga dayuhan ay higit pang makakaakit para sila mamuhunan sa ating bansa.

“Opening up some of our industries like telecommunications, railways and airlines to full foreign ownership will attract investors which will in turn create more jobs for our countrymen spurring development in our country. This is what our country needs at this time when we are starting to recover from effects of the pandemic,” pahayag ni Robes.

Isa si Robes sa mga inimbitahan sa Malacañang nang lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) No. 11659 o ang “An Act Amending Commonwealth Act No. 146 na kilala bilang Public Service Act” noong nakaraang linggo na nagpapaluwag sa paghihigpit sa mga dayuhang mamumuhunan upang payagan silang maglagak sa lokal na negoyso ng 100 porsiyento ng kanilang puhunan

Sa kabila nito, ilang mga industriya ang hindi sakop ng batas at hanggang 40-porsiyento lamang ang kanilang puwedeng ibuhos na puhunan tulad ng pamumuhunan sa distribusyon at transmission ng elektrisidad, pipeline transmission ng mga produktong petrolyo, water at wastewater pipeline distribution, kabilang ang sewage pipeline, mga daungan at pampublikong sasakyan.

Dahil sa bagong para­an ng pamumuhunan, sinabi ni Robes na ina­asahan na, sa ilalim ng bagong batas, ang pagbaba ng halaga ng mga bilihin, pagpapabuti sa kalidad ng mga produkto at serbisyo at magpapakilala sa bagong pamamaraan na direktang magpapa-angat sa ekonomiya at buhay ng bawat Pilipino.

“I am proud to have been part of the momentous event that will bring us back on track towards economic recovery and growth,” dagdag pa ni Robes.