BAGONG BATAS VS FAKE NEWS PAG ATAKE SA PRESS FREEDOM

Fake News

NA alarma ang grupo ng mamamahayag kabilang na ang National Union of Journalists of the Philippines,advocates of press freedom,independent journalists at academe hinggil sa bagong batas na “Bayanihan To Heal As One Act” kung saan maaring kontrolin ng gobyerno ang kalayaan sa pamamahayag.

Batay sa section 6(6) ng nabanggit na batas, mapaparusahan ang sinumang indibidwal o grupong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa COVID-19  sa social media o anumang plataporma na walang kahalagahan sa taumbayan sa gitna ng krisis na ito kung saan nagla-layong guluhin at takutin ang mga ito ng naturang mapanlinlang na balita.

Bagaman wala pang legal na batayan kung ang impormasyon ay fake news, pagkakulong ng dalawang buwan o multa ng hindi bababa sa 10,000 o kaya hindi lalampas sa 1 milyon ang sinumang lumabag sa batas na ito na ayon sa grupo ng media ay hindi patas dahil mismong ang kasalukuyang administrasyon na magsusuri kung ito ay fake news o totoo ay siya ring pinagmumulan ng maling balita.

Sinabi naman ng NUJP na edukasyon ang tamang paraan sa paglaban ng maling impormasyon lalo na ngayong panahon ng pandemyang ito na kailangan ng taumbayan ang mabilisang pagbabalita ng media ng makatotohanang pangyayari kung saan maaring maging hadlang ang batas na ito sa malayang pamamahayag na ginagarantiya naman ng ating Saligang Batas.

Kaugnay nito ay nananawagan ang grupo ng media sa mga kasamahan nito at sambayanang Filipino na labanan ang anumang uri ng hakbang laban sa freedom of the press and expression dahil sa karapatan ng bawat isa ang malaman kung anuman ang nangyayari ngayon sa ating bansa.               NORMAN LAURIO

One thought on “BAGONG BATAS VS FAKE NEWS PAG ATAKE SA PRESS FREEDOM”

Comments are closed.