BAGONG BISHOP NG DIOCESE NG ILAGAN, ISABELA ITINALAGA

Bishop David William Valencia Antonio.jpg

ISABELA – MAY bago nang Obispo ang lalawigang ito sa katauhan ni Bishop David William Valencia Antonio.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang canonical installation ni Bish-op Antonio ngayong umaga sa St. Michael Cathedral sa Gamu, Isa­bela.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang Obispo, mga pari at iba pang mga bisita upang masaksihan ang canonical installation ni Bish-op Antonio.

Matatandaan na buwan ng Nobyembre, 2018 nang itina­laga ng Santo Papa si Bishop Antonio bilang bagong bishop ng ­Dioceses of Ilagan.

Si Bishop David  Antonio ay ipinanganak noong Disyembre 29, 1963 sa Sto. Domingo, Ilocos Sur at naordinahan bilang pari noong 1988.

Itinalaga siya bilang Auxillary Bi­shop of Nueva Segovia noong Hunyo, 2011.

Si Bishop Antonio ang ika-limang obispo ng lalawigan ng Isabela. REY VELASCO

Comments are closed.