HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Marlon Sabucido Casquejo bilang Commissioner ng Commission on Elections (COMELEC) kapalit ng nagretirong si Christian Robert Lim.
Ang appointment papers ni Casquejo na may petsang Hunyo 18, 2018 ay inilabas kahapon ng Malacañang Records Office kung saan ay nakasaad na ang termino ni Casquejo ay hanggang Pebrero 2, 2022.
Si Casquejo na dating assistant regional director ng Comelec-Davao ang ikatlong appointee ni Pangulong Duterte sa poll body.
Nauna nang itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Court of Appeals Associate Justice Socorro Inting at Comelec Chairman naman si dating Commissioner Sheriff Abas kapalit ng nagbitiw na si Chairman Andres Bautista.
Ang appointment nina Inting at Abas ay kapwa naaprobahan na ng Commission on Appointments. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.