PATULOY ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Sabado, Pebrero 19, pumalo na sa 3,650,748 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa matapos madagdagan ng 1,923 mga bagong kaso sa loob ng 24 oras.
Sa nasabing bilang, 62,533 o 1.7 porsiyento ang aktibong kaso.
Nasa 198 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,607 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 5,158 ang nadagdag na gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,532,608 o 96.8 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.