BAGONG COVID-19 CASES, 28,471, GUMALING, 34,892

NASA  28,471 ang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang alas- 4:00 ng hapon ng Enero 18, pumalo na sa 3,270,758 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 284,458 o 8.7 porsiyento ang aktibong kaso.

8,930 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 270,784 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,957 ang moderate, 1,484 ang severe, habang 303 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 34 naman ang nasawi kaya umakyat na sa 52,962 o 1.62 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 34,892 naman ang gumaling pa sa COVID-19 na naghatid sa 2,933,338 o 89.7 porsiyento ng total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.