BAGONG COVID-19 VACCINE APRUB NA SA FDA

APRUBADO  na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng Serum Institute of India Private Limited hinggil sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Covovax vaccine kontra COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na maaring ibigay sa mga 18 gulang pataas ang Covovax vaccine na kayang pumigil sa pagkakaroon ng iba pang impeksiyon sa baga.

Ayon pa kay Domingo, ang bagong klase ng bakuna ay may efficacy rate na 89.7% at nagpakita ng very mild adverse event sa clinical trial nito.

Sinabi rin ni Domingo na posibleng magamit ang mga bakuna sa bansa bago matapos ang taon o sa susunod na taon.

Ibibigay ang dalawang doses ng bakuna sa interval na tatlo hanggang apat na linggo. DWIZ882