BAGONG CURFEW HOURS MALAKING GINHAWA SA LABORERS-COMMUTERS

Ariel Inton

LUBOS ang pasasalamat ng commuter at transport groups makaraang tuluyang i-adjust kamakailan ang curfew hours sa 10:00 ng gabi  hanggang 4:00 ng umaga  sa Metro Manila Bubble Plus kasama ang  Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan simula sa May 1, 2021.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), napakalaking ginhawa at tulong ang maibibigay nito sa hanay ng commuters at ordinary workers na pumapasok at umuuwi araw-araw.

Pinasalamatan din ng LCSP ang Inter-Agency Task Force (IATF) lalo na si Presidente Rodrigo Duterte sa approval ng implementation ng adjustment ng curfew hour.

Sinabi ni Inton na sa pagpapatupad ng bagong curfew hours sa Sabado, hindi na magkukumahog sa paggising ng madaling araw ang mga ordinaryong manggagawa para lamang makipagsiksikan at makipaghabulan sa pagsakay sa public transportation.

Ganoon din sa pag-uwi ay hindi na kailangang magmadali para lang makasakay ng public transportation.

“Alam n’yo mga kababayan ang ating mga ordinary daily workers at commuters pagkatapos ng trabaho, bago umuwi dumaraan ‘yan sa mga palengke, at mga authorized market vendors para mamalengke ng iluluto nilang pagkain para sa hapunan at ngayon mahaba na ang oras nila dahil sa adjusted curfew hours,” saad ni Inton.

Kasunod nito, hiniling ng LCSP na dagdagan pa ng Department of Transportation (DoTR) at Land Transportation Office (LTO) ang mga public transportation para mas bumilis pa at guminhawa ang transport industry.

“Mas maraming masasakyan, mas mabilis ang mobility, walang siksikan, walang agawan ng sasakyan, at higpitan ang implementation ng health protocols na ipinatutupad, at vaccine kayang kaya nating sugpuin ang Covid-19,” dagdag pa ni Inton. BENEDICT ABAYGAR, JR.

16 thoughts on “BAGONG CURFEW HOURS MALAKING GINHAWA SA LABORERS-COMMUTERS”

  1. 332774 818014Hey there. I want to to ask a little somethingis this a wordpress internet log as we are planning to be transferring more than to WP. Additionally did you make this template all by yourself? Several thanks. 342462

  2. 326880 557210Im not that much of a internet reader to be honest but your blogs truly nice, keep it up! Ill go ahead and bookmark your internet site to come back down the road. Cheers 308991

  3. 47118 260341Hi. Cool post. There is really a issue with the internet website in firefox, and you might want to test this The browser could be the marketplace leader and a huge portion of folks will miss your excellent writing due to this issue. 845103

Comments are closed.