ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. William Dar bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture.
Papalitan ni Dar, dating director-general ng International Crops Research Institute for the Semi-Arid Tropics, si Agriculture Secretary Manny Piñol na itinalaga naman ng Pangulo bilang kalihim ng Mindanao Development Authority.
Si Dar ay dati ring naging kalihim ng DA noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Samantala, itinalaga rin ng Pangulong Duterte si Court of Appeals Associate Justice Rodil Zalameda bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Si Zalameda na nagtapos ng Bachelor of Arts major in Political Science sa University of the East ay nagtapos ng abogasya sa Ateneo Law School taong 1987.
Bago mahirang sa Court of Appeals noong 2008 ay nagsilbi rin si Zalameda na City Prosecutor ng Mandaluyong City
Pupunan ni Zalameda ang posisyon ni Associate Justice Mariano del Castillo na nagretiro noong Hulyo 29 matapos umabot sa mandatory retirement age na 70 anyos. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.