BAGONG DATING NA NFA RICE SA ILANG PAMILIHAN PINILAHAN

NFA RICE3

DUMATING na nitong Miyerkoles sa ilang pamilihan sa Metro Manila ang sako-sakong bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) mula Thailand, na agad pinilahan ng mga mamimili.

Sampu hanggang 30 sako ng NFA rice ang natanggap ng mga nagtitinda sa Commonwealth Market sa Quezon City.

Isa sa mga nakatanggap ang huli umanong nakapagbenta ng murang bigas bago mag-Pasko.

Sinabi raw sa kanila na maraming bigas kaya lang nasa pier pa. Inabot ng holiday kaya hindi naayos ‘yong mga papeles.

Nagtiyagang pumila ang mga mamimili para makabili ng NFA rice, sa pinakamurang commercial rice na P37 kada kilo habang walang NFA rice noong mga nagdaang linggo.

Para maraming mamimili ang mapagbigyan, nilimitahan ng ilang nagtitinda ang dami ng NFA rice na ipagbebenta.

Ginawa lang 3 kilo, ang maximum na ibi­nebentang NFA rice mula sa itinakda ng NFA na 5 kilo kada mamimili.

CARROTS DUMOBLE ANG PRESYO

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng mga gulay sa Commonwealth Market maliban sa carrots na doble ang iminahal.

Mula P80 kada kilo, nasa P160 na ang presyo ng kada kilo ng carrots.

Sa Muñoz Market sa Quezon City, idinaing naman ng mga nagtitinda ang pagmahal ng bili nila sa ilang gulay gaya ng kang-kong, petsay, at sitaw.

Sa halip na itaas ang presyo, binawasan na lang ng mga taga-Muñoz Market ang laman ng P10 kada tali ng mga nabanggit na gulay.

Mula P10, naging P20 naman ang kada tumpok ng carrots sa Muñoz Market.

Dumating na rin noong umaga ng Miyerkoles ang sako-sakong NFA rice sa Muñoz Market.

Comments are closed.