BAGONG DEAL SA GOBYERNO PINABABALANGKAS NG DOF SA WATER CONCESSIONAIRES

MAYNILA-MANILA WATER

DAPAT nang mag-umpisa ang mga water concessionaires sa pagbalangkas ng bagong concession agree- ment sa gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary  Carlos Dominguez III, sa ngayon pa lamang ay dapat nag-uumpisa na ang Maynilad at Manila Water sa pagbalangkas ng bagong kasunduan sa gobyerno upang magkaroon ng sapat na panahon na  pag-aralan ito.

Aniya, dapat ding tanggalin ng dalawang  kompanya ang anumang probisyon sa kasunduan na hindi makabubuti sa gobyerno lalong-lalo na sa mga konsyumer.

“You guys (Manila Water and Maynilad) should also put yourselves in our position and see what items are dis-advantageous to the government, then you should make your proposals already so we don’t have to go through this long, drawn-out discussions,”  dagdag na pahayag ng kalihim.

Una rito, labis na ikinagalit ng Pangulong  Rodrigo Duterte ang desisyon ng Singapore Permanent Court of Arbitration  kung saan pinagbabayad nito ng tinatayang 11 ­bilyong pisong  multa ang ­gobyerno sa Maynilad at Manila Water.

Sa nasabing 1997 concession agreement, nakasaad na hindi maaaring makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng ­singil sa tubig.  Ashley Jose-DWIZ882

Comments are closed.