BAGONG DEKADA PARA SA PANASONIC AIR CONDITIONING PHILS

Panasonic

MULING binigyang-diin ng Panasonic ang kanilang pangako na lumikha ng “A Better Life, A Better World” sabay ng layon na maka­pagdulot sa paglago at pagbuo ng lipunan at sa kaligayahan ng mga tao sa buong mundo, at bigyan ng highlight ang kanilang kasanayan sa Air Conditioning business sa mahigit na 120 bansa.
Sa kanilang pagpasok sa bagong dekada, inilunsad ng Panasonic ang bagong kompanya na naghahandog para magbigay ng serbisyong propesyonal para sa pangangailangang air conditioning ng bawat isa, ang Panasonic Air Conditioning Philippines (PACPH).
Sa pag-unlad na ito, nangangako ang PACPH para makapagbigay ng pinakamagaling at komportableng air solutions na may bagong professional technologies at serbisyo para maibigay sa bawat Filipino ang pangangailangan mula sa bahay hanggang solusyon sa negosyo.
Ang air conditioning sa ngayon ay hindi lamang nananatili sa pagpapalamig lamang. Tulad ng ibig sabihin ng pangalan, ang unang hangarin ay para ikondisyon ang inyong indoor air, kaya, gumawa ang Panasonic ng nanoe™ Technology na nag-aalis ng amoy, nagpipigil ng pagtubo ng bacteria at viruses, at epektibo sa pag-aalis ng alikabok para makalikha ng mas bago at malinis na kondisyon ng pamumuhay.
Nakakaubos ang mga tao ng average 1.3kg ng pagkain, 1.2kg ng tubig, at nakagugulat na inihihinga ng nasa 18kg ng hangin araw-araw. Para tayo ay tu­magal ang buhay, at manatiling malakas, kailangan natin ang ingat sa hangin na ating inihihinga. Kaya ito ang rason at paano nagkaroon ng konsepto ng Quality Air for Life, kaugnay sa layon ng Panasonic na mabigyan ng Japan Quality Air Conditioners ang bawat pamil­yang Filipino.

PANASONIC AIR CONDITIONING TRAINING CENTER

May Panasonic air conditioner sa mahigit na 120 bansa sa buong mundo, at sa 120 bansang ito, ang Filipinas ay isa sa may pinakamabilis na lumalagong merkado ng air conditioner.
May pangako na makapagbigay ng pinakamagaling para sa kostumer na Pinoy, nagbukas ang PACPH ng kanilang Air Conditioning Training Center na sumusuporta ng kanilang responsibilidad na makapag-bigay ng product knowledge at skills enhancement para makapagsilbi sa kanilang customer ng pinakamagaling na kapabilidad.
Ang unang layunin ng training center na ito ay para ipakilala ang napapanahong training program na nakatutok para matugunan ang mga isyu sa knowledge improvement sa mga produkto ng Panasonic, sa pagbibigay ng edukasyon sa mga customer. Isa pang layunin ay makapagbigay ng kakayahan at pag-unlad sa mga technical personnel, engineers, at staff para sa epektibong serbisyo matapos ang pagbe-benta nito.
Ang specialized team ay makikipag-ugnayan para tumugon sa mga katanungan at gumawa ng mga solus­yon, kaya mapabubuti ang delivery speed at mapalalawak ang logistics coverage sa buong bansa. Pinalawak din ng Panasonic ang kanilang warehouse capacity at lokasyon para masiguro ang sapat na stock ng mga bahagi at gamit na puwedeng makuha at magkaroon sa anumang oras.
Sa pagkuha ng signal mula sa massive infrastructure investment ng gobyerno ng Filipinas sa ilalim ng “Build! Build! Build!” program, patuloy na nakapokus ang Panasonic sa pagbibigay ng premium Japan Quality products sa kanilang mga customer bilang kontribusyon sa lipunan.
Ang tagumpay ng programa ay inaasahan na tutulong na bumaba ang costs of production, encourage investments in the countryside, make the movement of goods at maging mas maaasahan ang mga tao, at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino.
Ito ay para masiguro na patuloy na maipatutupad ang pangako ng Panasonic, laging nasa isip ang kanilang dedikasyon sa kalidad, kaligtasan, at sustainable development.
Sa pamamagitan ng mas magaling na conditioning solutions, layon ng Panasonic na magbigay ng pag-aalaga sa bawat pamilyang Filipino— ang Alagang Panasonic.

Comments are closed.