TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi niya papayagang magsagawa ng eksperimento sa bansa hinggil sa bagong bakuna kontra sa dengue.
Ito ay sa kabila ng ulat na maganda ang resulta sa clinical trial ng dengue vaccine ng kompanyang Takeda Pharmaceutical Company ng Japan.
Ayon kay Duque, hahayaan na lamang niyang gamitin muna sa ibang bansa ang nabanggit na bakuna kontra dengue bago sa Filipinas
Aniya, nais lamang nilang iwasan na makaranas ng panibagong problema sa dengue vaccine na makaaapekto muli sa immunization program ng pamahalaan.
Iginiit ni Duque, mainam nang maging maingat at unahin ang kaligtasan ng lahat. DWIZ882
Comments are closed.