BAGONG DEPED SECRETARY PANGANGALANAN NA

MAGANDANG balita para sa academe ang anunsiyo ng Malacañang na itatalaga na bago matapos ang buwan ang bagong kalihim ng Department of Education.

Ito ay kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng ahensiya epektibo sa Hulyo 19, 2024.

Agad na hiniling ng education sector na magtalaga na ng mamumuno sa DepEd lalo na’t muling magbubukas ang klase at kailangan na may magbabaston sa mga guro.

Bagama’t nasa bakasyon ang mga estudyante, kinakailangan pa rin ang mga paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa Hulyo 29.

Krusyal ang School Year 2024-2025 dahil ibabalik sa old school calendar ang klase na matagal-tagal ding pinagdebatehan.

Kaya mahalaga na may isang pinuno na mangangasiwa sa pagsisimula ng back to old cycle na school calendar.

Bukod pa sa pampataas ng morale ng mga guro at iba pang school workers ang mayroon silang tinatanaw na lider.

Kaya naman mainam na may italaga nang kalihim ng Edukasyon.