BAGONG DIPLOMATIC PROTEST

Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr

NAKATAKDANG  muling maghain ng diplomatic protest ang Filipinas laban sa China.

Sa pagkakataong ito, ito ay may kaugnayan sa umano’y dalawang Chinese vessels na namataan sa bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sa Twitter account ni Foreign Affairs Secretary Teodory Locsin Jr. ay sinabi nito na  muling magbabato ng diplomatic protest kontra China matapos kuwestiyunin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag-iikot ng naturang vessels sa karagatang sakop ng  bansa.

Ito na ang ikatlong diplomatic protest ng Filipinas laban sa China ngayong taon, una ay  nang maghain noong Hunyo kaugnay sa Recto Bank incident at pa­ngalawa ay noong Hulyo kung saan napaulat naman ang pagkukumpulan at aktibidad ng China sa pinag-aagawang teritor­yo.

Nais naman  ni Secretary Lorenzana na tanungin ng gobyerno kung bakit nasa territorial water ng Filipinas ang mga Chinese research vessel at barko de giyera.

Ayon kay Lorenzana, dapat na tanungin ng gobyerno ang Beijing kung ano ang ginagawa ng kanilang mga barko sa karagatang saklaw ng EEZ.

“The action that I would like our government to do is to inform or ask the Chinese Embassy what these ships are doing in our EEZ without our knowledge,” ani Secretary Lorenzana.

“No, as far as Im concerned, I’ve talked to Secretary Esperon there were no info regarding this visit to our EEZ,” dagdag ng kalihim.

Kinumpirma ni Lo­renzana na hindi humingi ng clearance ang China bago pumasok at dumaan ang ilang Chinese warships sa Sibutu Strait sa katimugang bahagi ng Filipinas.

“What we need really is to allay the fears of the neighbors of China, to inform the other countries what their ships are doing there — not only the survey ship, but also their warships passing through our territorial waters,” pahayag pa ng kalihim sa isang pana­yam.

Samantala, tungkol sa tatlong isla na planong bilhin o upahan ng China  para gawing tourist at industrial hub, inihayag ni Sec. Lorenzana na pag-aaralan niya kung ano ang posibleng security threats mula sa planong development dito  partikular sa Fuga Island.

Sinasabing ang Fuga Island  na nasa Babuyan archipelago ay isang very strategic crossing para sa mga barko.

Bukod sa Fuga, target din ng mga Chinese investor sa iallim ng kanilang Php 2 Billion Belt and Roads projects, ang Chiquita at Grande, na kapwa nasa bunganga lamang ng  Subic Bay.

Naalarma ang  Philippine Navy sa nasabing plano ng ilang higanteng Chinese na gawing industrial hub ang tatlong nasabing mga isla.

“We are going to park a lot of our capital assets later on,” ani Lorenzana. The area is also home to a freeport zone and a former US Navy base.

Tiniyak ni Lorenzana na ang tatlong isla ay hindi magagamit para mag-espiya sa Filipinas ang China.     VERLIN RUIZ

Comments are closed.