BAGONG DIRECTOR NG EPD ITINALAGA

PORMAL ng umupo sa kanyang puwesto kahapon bilang hepe ng Eastern Police District (EPD) si BGen Jerry Fornaleza Bearis.

Pinalitan ni Bearis si BGen Orlando Yebra na nagretiro na nitong Hulyo 13.

Pamumunuan ni Bearis ang mahigit sa 2,600 puwersa ng EPD na sakop ang apat na lungsod kabilang ang Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na ipagpagpatuloy at paigtingin ang kampanya ng PNP laban sa kriminalidad, droga at terorismo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Si Bearis ay miyembro ng PNPA “Tagapaglunsad” class of 1993 na bago maging EPD Director ay naging Chief Regional Staff ng NCRPO kung saan nakuha nito ang rangong Brigadier General o One Star General.

Siya rin ay naging EPD-Deputy District Director for Administration, PNP Anti-Kidnapping Group (AKG)-Deputy Director for Administration at Police Security and Protection Group (PSPG)-Deputy Director. ELMA MORALES